ISANG PAG.-AARAL SA MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT NANGANGAMBA ANG MGA MAG-AARAL NG BS ACCOUNTANCY, UNANG ANTAS TERSARYA, SEKSYON B NA MALIPAT SA SEKSYON A AT ANG MGA KAUGNAYANG VARYABOL.

Type
Thesis
Category
COED  [ Browse Items ]
Abstract
Ang pamanahong papel na ito na pinamagatang “Isang Pag-aaral sa mga Kadahilanan Kung Bakit Nangangamba ang mga Mag-aaral ng 13S Accountancy ng Unang Antas Tersarya, Seksyon B na Malipat sa Seksyon A at ang ilang Kaugnayan Varyabol” ay naglalayong malaman at masuri ang iba’t-ibang pananaw at pakiramdam ng mga estudyante sa usaping mann silang malipat sa ibang seksyon. Nais ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na bigyan-pansin ang kaniya-kaniyang dahilan ng mga studyante upang sa pamamagitan nito ay maiparating sa mga guro at mga kinauukulan sa bob ng paaralan ang mga kadahilanan ng pangangamba ng mga estudyante.
Sa pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang pangangatwirang pamamaraan ng pag-aaral para sa pagkalap, pagbubuod at pag-aanalisa ng mga mahahalagang datos.
Mg pagsasagawa naman ng isang sarvey ang naging instrumento ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito. Nagpamigay ang mga sarvey form o mga saguting papel. Sa pamamagitan nito, nakakalap nang maayos ang mga importanteng impormasyon na magiging basehan sa pagtugon sa paksa ukol sa mga kadahilanan kung bakit nangangamba ang mga mag-anral ng BS Accountancy ng unang antas tersarya, Seksyon B na malipat sa Seksyon A.
Inaasahan ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na maging matagumpay ang pagtatapos ng pamanahong papel na ito. Inaasahang din na magkaroon ng tiyak na mga kasagutang para sa bawat katanungan upang sa gayon ay mabigyang-linaw ang isip ng mga estudyante. Inaasahang din na kahit papaano ay makapagnilay ang bawat mag-aaral upang sa gayon ay unti-unting mawala ang pangamba ng bawat isa sa kanila. Kung kanilang mapapagnilayan ang lahat, ang mga mananaliksik ay nakasisiguro na ang bawat mag-aaral ay maaaring lumaki ang kanilang tiwala sa sarili na siyang magiging susi sa daan ng katiwasayang tungo sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.