ISANG PANANALIKSIK KUNG BAKIT MAS MARAMING MAGAARAL ANG SINUSUNOD ANG KANILANG MGA MAGULANG SA PAGPILI NG KURSO

Type
Thesis
Category
COED  [ Browse Items ]
Abstract
Mula sa aming pagtatapos sa sekondarya ay tutungo kami sa mas malaking hamon ng buhay, ito ay ang pagpasok naming sa tersarya, kung saan unti-unti kaming hinuhubog upang maging propesyonal. Dito makikita namin ang iba’t-ibang mukha ng buhay. Maaari kaming magtagumpay sa kursong aming napili at kinuha kung ang bawat hamon na darating ay aming malalagpasan. Isa na rito ang pagbibigay sa amin ng pagkakataong bigyang pansin ang mga katanungang nais naming magkaroon ng kasagutan. Kami ay isang grupo na naglalayong malaman ang kadahilanan kung bakit maraming estudyante ang kumukuha ng kursong napili ng kanilang mga magulang. Nais naming malaman kung ano ang magiging epekto nito sa kanila. Ninanais din naming malaman kung sa kursong kanilang kinuha ay magtatagumpay sila. Bilang isang grupo ng mga mag-aaral na nagmula sa Kolehiyo ng Pagtutuos, masasabi naming hindi nagtlais na kuhanin ang kursong ito. Kaya naman sa pananaliksik na aming gagawin ay pag-aaralan namin ang mga bagay nmakakatugon sa aming layunin na makakuha ng impormasyon na makakatulong sa aming pananaliksik kung saan ito’y makapagbibigay sa amin ng karagdagang impormasyon. Nilalayon din namin na sa panahon n gaming pag-aaral at pananaliksik ay magkaroon kami ng pagkakaisa. Nais din naming maipamahagi ang aming kaalaman sa iba.
Sang-ayon sa aming mga layunin, ang aming pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na makapagbibigay sa amin ng impormasyon, kung saan ito’y aming gagamitin upang magkaroon ng linaw ang sagot sa aming mga katanungan. Ito ay naglalaman rin ng mga haypotesis o palagay na nagpapahayag ng mga baryabol at teorya o ang konseptwal na balangkas ng isang pag-aaral. Kasama rin ditto ang mga referensiyal na aming gagamitin, mga suliranin na makikita sa buong paligid. Ang pananaliksik na aming gagawin ay nagsasaad rin ng kahalagahan nito sa aming mga mag-aaral at ang kaugnayan nito sa literatura.
Mg paggawa ng isang thesis ay hindi biro, maaaring mahirap sa simula, ngunit kung tulong-tulong ay makikita at magagawa. Sa panahon n gaming pananaliksik, nais naming mapaganda ang thesis na ito, kailangan namin ang kakayahan ng bawat isa upang maisagawa ang aming pag-aaral. Habang ginagawa naming ang thesis na ito ay nabubuo rin ang isang kakaibang samahan at di matawarang saya. Ayon na rin sa aming tagapagturo at isa ring tagapayo, hindi lang kami gumagawa ng isang pananaliksik, nagkakaroon din kami ng mga di malilimutang alaala. Mg kaalaman kami’y makakabuo ng isang thesis ay nagdudulot ng di matatawarang kasiyahan at magiging daan upang maipagmalaki namin ang aming kakayahan. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.