ISANG PANANALIKSIK:MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT MARAMI ANG NAHIIIIRAPANG ESTUDYANTE SA KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY SA DR YANGA’S COLLEGES INC., SA KANILANG KURSO AT SA MGA PANGUNAHIG ASIGNATURA NITO.

Type
Thesis
Category
COED  [ Browse Items ]
Abstract
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “isang Pananaliksik: Mga Kadahilanan Kung Bakit Maranñ ang Nahihiraparig Estudyante ng Bachelor of Science in Accountancy sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. at sa Pangunahing Asignatura nito.” ay naglalayong matulungan aug mga estudyante ng kursong Pagtututos hinggil sa kanilang mga hinaing na problema sa kanilang pangunahing asignatura. Layunin nito na matukoy ang mga kadahilanan ng mga estudyante kung bakit sila nahihirapan na maintindihan ng mabuti ang kanilang pangunahing asignatura. Nilirnitahan ang pananaliksik na ito para sa mga estudyante ng kursong Pagtutuos mula sa una hanggang sa ikaapat na antas ng Dr. Yanga’s Colleges Inc. aug mga mananaliksik ay kumuha ng mga kaugnayang pangliteratura mula sa mga referensya tulad ng libro at kompyuter. May rnga kaugnayan din na nakuha mula sa mga kilalang tao sa larangan ng pagsusuma at pagtutuos. Binigyang pakahulugan din ng mga mananaliksik ang mga komplikado o di pamilyar na salita upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng mga instrumento sa pangangalap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik. Gumawa aug mga tagapagsaliksik ng isang talatanungan na ipinakalat sa nga napiling respondente bilang sarbey. Matapos ito, ibinuod ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos. Mula sa mga datos na ito, naging makabuluhan aug pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Binigyang interpretasyon ng mga mananaliksik aug mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga talahanayan at mga graf na kakatawan sa bawat impormasyong inilahad ng mga respondente mula sa talatanungan. Binigyang depenisyon din ng mga mananaliksik ang pananaliksik upang magamit ng mga mambabasa para sa pagkuha ng impormasyon. Matapos mailahad ang kabuuang resulta ng pananaliksik, nagbigay ng konklusyon ang mga mananaliksik hinggil sa mga resultang nakuha mula sa respondente. inilahad din ng mga mananaliksik ang kabuuan ng pananaliksik, nilagom ng mabuti upang maging batayan ng mga mambabasa. At sa huh nagbigay ng mga rekomendasyon ang mga tagapagsahiksik para sa mga susunod pang nais na pag-aralan ang paksang may kaugnayan sa pananaliksik na ito.
Mg pananaliksik na ito ay dinisenyo bilang isang deskriptiv, kung saan inilahad ng mga mananaliksik ang iinpormasyon sa pamamagitan ng paglalarawan. Mg pananaliksik na ito ay kapaki-pakinabang para sa mga Accountancy Student na sadyang nahihirapan sa kanilang pangunahing asignatura. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang lubos na malutas ng mga estudyante ang mga hadlang sa kanilang mabisang pagkatuto sa kanilang pangunahing asignatura. Kalugod-lugod ito sa mga mambabasa na nagnanais na maging isang matagumpay na mag-aaral ng kursong Pagtutuos. Higit na magiging kapaki-pakinabang ito para sa mga Accountancy Student dahil ito ay magiging batayan rig mga respondente para sa lubos na kanilang pagkakatuto. Mg lahat ng mga kasagutang nais malaman ng mga mambabasa hinggil sa paksang pinagaaralan dito ay kanilang matatagpuan mula sa pananahiksik na ito. Magiging isang mahusay na referensya ito para maunawaan ng mga mababasa ang mga kadahilanan rig kanilang suhiranin sa kanilang pangunahing asignatura. Kasiya-siya sa mga mananahiksik kung ang pag-aaral na ito ay inyong ituturing na gabay patungo sa inyong kaganapan bilang isang CPA o Certified Public Accountant. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.