Ang Pananaliksik, mga Kadahilanan Kung Bakit marami ang Nahihirapang Estudyante sa Kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Dr. Yanga's Colleges Inc., sa Kanilang kurso at sa mga Pangunahing Asignatura Nito

Type
Thesis
Authors
Aguirre ( Jewelry G. et al. )
 
Category
COED  [ Browse Items ]
Pages
52 p. 
Abstract
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang "Isang Pananaliksik: mga kadahilanan kung bakit marami ang nahihirapang estudyante ng Bachelor of Science in Accountancy sa Dr. Yanga's Colleges Inc. at sa pangunahing asignatura nito."ay naglalayong matulungan ang mga estudyante ng kursong pagtututos hinggil sa kanilang mga hinaing na problema sa kanilang pangunahing asignatura.. Layunin nito na matukoy ang mga kadahilanan ng mga estudyante kung bakit sila nahihirapan na maintindihan ng mabuti ang kanilang pangunahing asignatura. Nilimitahan ang pananaliksik na ito para sa mga estudyante ng kursong pagtutuos mula sa una hanggang sa ikaapat na antas ng Dr. Yanga's Colleges Inc. ang mga pananaliksik ay kumuha ng mga kaungnayang panglitaratura mula sa mga reperensya tulad ng libro at kompyuter. May mga kaugnayan din na nakuha mula sa mga kilalang tao sa larangan ng pagsusuma at pagtutuos. Binigyang pakahulugan din ng mga mananaliksik ang mga komplikado o di pamilyar na salita upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito.

Sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng mga instrumento sa pangangalap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik. Gumawa ang mga tagapagsaliksik ng isang talatanungan na ipinakalat sa mga napiling responde bilang sarbey. Matapos ito, ibinuod ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos. Mula sa mga datos naito, naging makabuluhan ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Binigyang interpretasyon ng mga mananaliksik ang mga nakalap na inpormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga talahanayan at mga graf sa kakatawan sa bawat impormasyong inilahad ng mga respondente mula sa talataningan. Binigyang depenisyon din ng mga mananaliksik ang pananaliksik upang magamit ng mga mambabasa para sa pagkuha ng impormasyon. Matapos mailahad ang kabuuang resulta ng pananaliksik, nabigyan ng konklusyon ang mga mananaliksik ang kabuuan ng pananaliksik, nilagom ng mabuti upang maging batayan ng mga mambabasa. At sa nagbigay ng mga rekomendasyon ang mga tagapagsaliksik para sa mga susunod pang naisna pag-aralan ang paksang may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Ang Pananaliksik na ito ay disenyo bilang isang deskriptiv, kung saan nilahad ng mananaliksik ang impormasyon sa pamamagitan ng paglalarawan. Ang pananaliksik na ito ay kapaki pakinabang para sa mga Accountancy student na sadyang nahihirapan sa kanilang pangunahing asignatura. Makakatulong ang pag-aaral ito upang lubos na malutas ng mga estudyante ang mga hadlang sa kanilang mabisang pagkatuto sa kanilang pangunahing asignatura. Kalugod-lugod ito sa mga mambabasa na nagnanais na maging isang matagumpay na mag-aaral ng kursong pagtutuos. Higit na magiging kapaki-pakinabang ito para sa nga accountancy student dahil ito ay magiging batayan ng mga respondante para lubos na kanilang pagkatuto.Ang lahat ng mga kasagutang nais malaman ng mga mambabasa hinggil sa paksang pinagaaralan dito ay kanilang matatagpuan mula sa pananaliksik na ito. Magiging isang mahusay na reperensya ito para maunawaan ng mga mambabasa ang mga kadahilanan ng kanilang suliranin sa kanilang pangunahing asignatura. Kasiya-siya sa mga mananliksik kung ang pag-aaral na ito ay inyong ituturing na gabay patungo sa iyong kaganapan bilang isang CPA o certifiedPublic Accountant.  
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.